FANDOM


Nagtutupi ng damit si Tinay sa kanilang bahay ng biglang dumating si Luring na may balitang dumating na daw Badong galing Maynila. Nanlamig ang pakiramdam ni Tinay ng narinig niya ang balitang ito. Nagbalik ang kanyang unang mahal na sumira sa kanyang puso. Sabi pa ni Luring ay may handaan para sa mga kababata ni Badong. Tinanong ni Luring kung ano ang isusuot ni Tinay para sa okasyon na ito. Sabi ni Tinay na wala naman daw siyang paanyaya galing kay Badong at pinaalis na si Luring. Dahil sa ayaw niyang makita si Badong ay doon muna siya pumunta sa kanilang kubo kasama ang kanyang tatay. Inani na nila ang kanilang mga tinanim na pakwan. Pagkabalik nila ay biglang bumisita si Badong at ang kanyang asawa na si Minda kanila Tinay upang bumili ng kanilang mga pakwan. Sobrang nagulat si Tinay at walang kamalay-malay ang kanyang tatay at pinatuloy ito sa bahay. Nagtatanghalian sila at hiniwa ang pakwan. Nakita nilang maputla pa ang pakwan at hindi pa handa para kainin. Sinabi bigla ni Tinay na "Talagang ganyan ang buhay. Iyong makinis at maganda ang labas ay hindi maganda sa loob." Natamaan si Badong at kumain nalang ng tahimik.