FANDOM


Si Menandro Roman ay nagta-trabaho sa isang opisina. Kilala siya doon bilang isang tahimik na lalaki na hindi masyado nakikipagsalamuha sa kaniyang mga kasama sa trabaho. Noong malapit na ang Araw ng Mga Puso ay biglang inalok ni Elena o mas kilalang Nena si Menandro na bumili naman ng binibenta niyang valentine card. Nagtaka si Menandro dahil di naman nito inaalok si Menandro na bumili ng kaniyang mga paninda sa mga normal na araw. Para bang may pinapahiwatig si Elena. Tumanggi si Menandro sa kanyang alok at sinabing wala naman siyang pagbibigyan nito. Ngunit ang totoo ay may mahal siya sa kanilang probinsya na nag ngangalang Menang. Nagkahiwalay sila nito noong pumunta siya sa Maynila at inaakala niyang may iba na si Menang. Pagkatapos ng trabaho ay namamasyal masyal siya sa labas at bigla niyang natagpuan ang sarili niyang tumitingin ng valentine cards. Naisip niyang biruin si Nena at padalhan ito ng card. Noong pumasok na sila ulit sa trabaho ay hinihintay ni Menandro na kausapin siya Nena tungkol sa card, ngunit walang nangyari kahit lumipas pa ang isang linggo. Nakaramdam si Menandro ng pananabik tuwing nakikita si Nena at nababaliw na siya kasi hindi siya kinakausap nito. Isang araw may natanggap din na valentine card si Menandro ngunit galing ito kay Menang. Nakalagay ay "Ikaw rin ang aking Valentine". Bumalik lahat ng nararamdaman ni Menandro kay Menang at dali daling nagbakasyon at pumunta sa kanilang probinsya. Pinakita ni Menang ang binigay na card ni Menandro na dapat ay pang-biro niya kay Nena. Nakita niyang ang N ay naging M at dinagdagan ng "ng" sa huli upang maging Menang ang nasa sulat. Si Nena pala ang nagpadala ng sulat na ito kay Menang dahil alam niyang siya talaga ang mahal ni Menandro.